Thursday, June 20, 2013

Everyday..is a Mother's Day.






Everyday...is a Mother's day. 


Ang hirap maging nanay/mudra/ina/mommy. Lalo na kung meron kang dalawang bata na ganito kakulit at kaarte.(haha) Gising ng maaga, kailangan dahan-dahan ka pa bumangon sa higaan para hindi muna sila magising kase siguradong may iiyak o sisigaw ng "Mama,dede!", magluluto, hugas ng tsupon, magpiprepare ng baon ni itay, linis ng mga kalat, etc. At bago ka pa makaligo at makapagbihis, kailangan sila muna ang maunang mapaliguan, mapakain, mapainom ng gamot, para petiks na si prinsepe at prinsesa. Bago pa makaligo at makapag-make-up at makapag-outfit ang mudra, alas-nueve na. (kamusta naman kaya ang tulakan portion sa MRT later on?) At bago pa makaalis ng bahay, marami pang che-che-bureche na ibibilin (bilang isa akong "aligagang ina") yung tipong parang ayaw ko ng pumasok para maghapon mabantayan yung mga bata. So, as usual, late ang peg sa trabaho, tapos mag-fFB pa, magche-check ng blogsite, mag-a-IG, buti wala na akong twitter, bago magbusy-busyhan sa work. LOL. Matapos ang maghapon sa opisina o sa field, pagdating ng 6:00pm para mag-out na, kailangang mag-internalize ka na mabuo ulit ang panibagong energy sa katawan mo, kase pag-uwi malamang sa malamang eh uulitin mo na naman ang morning routine mo, o di kaya uubusin mo yung energy na natitira para sa pakikipagharutan at pakikipagkaratehan sa mga bata bago pa sila makatulog sa gabi. (na inaabot ng 11pm-12am ngayong mga panahon na to). Ayun lang naman. Wala naman masyadong mabigat o importante sa post kong ito, naisip ko lang na araw-araw pala, pwedeng batiin ang mga nanay ng HAPPY MOTHER's DAY!

Hello FRIDAY. Just a thought for today!

No comments:

Post a Comment